Create your own banner at mybannermaker.com!

Friday, May 4, 2012

PIANO

Mag tatagalog ako! At wala kayong magagawa kasi sinimulan ko na ito. haha :) pasensya sa mga di makakaintindi nito. dibale i- google translate niyo lang :D

So ayun. nagtataka ka ba kung bakit PIANO ang titulo nito? Siguro hindi kasi wala ka naman pakielam dito. haha ang bitter ko msyado. pero malaking pasasalamat na din sa nagbabasa nito. ang saya ko na siguro kasi umabot ka sa salitang ITO :D

So pano ko ba sisimulan.......
Ever since(o ayan may english) wala akong katalent talent sa kahit ano. sa pagkanta( hmm may boses nman siguro ako kaso yun nga lang minsan wala talaga sa tono, o baka nga mamaya hindi minsan e PALAGI! :D) pagsayaw (ewan ko ba ang tigas tlaga ng katawan ko kahit anong try ang gawin ko) sa pagtugtog ng mga instrumento(may alam naman ako sa flute, guitar, at piano kaso yun nga di ako bihasa dito) So nabanggit ko na nga ang piano. Eto nag aaral ako nito. Nasimulan ko na siya dati, nag paturo ako sa kaibigan ko kaso di na yun napagpatuloy kasi busy siya sa pag aaral niya at ganun din nman ako. Pero sa kagandahang palad ay may natutunan naman ako. Marunong na ko bumasa ng nota pero di lahat. Ngaun nag sisimula na nman ako mag aral ng piano. At sana ngayon ay talagang matuto na ko. Kasi GUSTO ko talaga. So goodluck to me :) Sana umayon sa kin yung mga keys ng keyboard haha para mag ka harmony kami. XD So ayun, yan lamang ang aking kwento. di ko na msyado papahabain kasi alam ko nman nakakatamad din magbasa ng mahaba. Swerte ko na nga lang kung nababasa mo pa ito :)

Ang inyong tagapagsalaysay,
Yanda <3

No comments:

Post a Comment